top of page
Search

Baka mamaya... baka bukas... o baka sa susunod nalang

  • Writer: Micah Angela Salunga
    Micah Angela Salunga
  • Apr 24, 2020
  • 1 min read

Hindi tiyak... Nag-aalangan...

Kinakabahan sa kahahantungan.

Nasaan ang mga binitawan na salita?

Ang pagbigkas mong damang-dama sa bawat talata.

Ngayon ay nakatayo, pinagmamasdan ang langit,

Ang tanging sinisigaw ay "bakit?"

Sadyang ipinagkait ba ng panahon?

Ang nais lang naman ay ang iyong tugon.


Ilang beses ng nasilayan ang dapithapon,

Ngunit wala pa ring pagpaparamdam hanggang ngayon.

Bagama't tama ang mga unang narinig

Ngunit hindi iyon nanggaling sa iyong tinig.

Paano? Ano? Saan? Kailan?

Isa na naman bang panibagong dahilan?



 
 
 

Comments


©2020 by tutsyrolls. Proudly created with Wix.com

bottom of page